
Sa LSE, inihahanda ang mga OFWs na kilalanin ang kanilang kakayanan sa pagnengosyo upang hindi parating nakaasa sa paga-abroad. Tinuturuan ang mga OFWs na gumawa ng business plan.
Social Entrepreneurship
Mahigit 1,200 graduates
May 34 na batches na ng mga nakapagtapos sa LSE. Halos 1,200 OFW graduates ang nakinabang sa programa sa iba't ibang bansa - Belgium, France, Hong Kong, Italy, Macau, Netherlands, Spain at United Arab Emirates
Sulit at Abot-kaya
Sa halagang PhP6,500 para sa 12 sessions, may pagkakataong kang matuto sa mga batikang propesor, negosyanteng may puso at mga taong eksperto sa kanilang mg larangan. Makakakuha din ng Certificate sa Ateneo sa araw ng graduation.
LSE Consortium
Binubuo ng Ateneo de Manila University, OFSPES, SEDPI at Ugat Foundation and LSE Consortium. SIla ang nagpapalakad sa LSE sa tulong ng mga embahada ng Pilipinas, POLO, OWWA at ng CFO.
Sa LSE, nagkakaroon ng financial knowledge and skills ang mga OFWs upang magkaroon ng seguridad para maabot ang kanilang mga pangarap tulad ng retirement, pagkakaroon ng bahay, magpagaral ang mga anak at magsimula ng maliit na negosyo bilang paghahanda sa pagbabalik sa Pilipinas.
Financial Literacy
Ang LSE Program ng Ateneo de Manila University ay makakatulong
sa iyo upang makamit ang iyong mga pangarap.
Ang Leadership, Financial Literacy at Social Entrepreneurship (LSE) Program ay naglalayong bumuo ng nagkakaisang mga OFWs at kanilang mga pamilya upang suportahan ang isa't isa para maging kagalang-galang na miyembro ng komunidad at nagkukusang tumulong para sa pagunlad ng Pilipinas
Leadership
Sa LSE, nagtuturo ng leadership skills ang mga OFWs na tingnan ang kanilang mga sarili bilang mga kinatawan ng pagbabago at transpormasyon
Ang LSE Program ay isang 6-month course na may 12 sessions. Tig-apat na sessions para sa leadership, financial literacy at social entrepreneurship.
Positibong Resulta
Nagkakaroon ng tiwala sa sarili, motibasyon at inspirasyon ang mga sumasali sa LSE. Marami ang nagsabing napabilis nila ang pag-abot sa kanilang mga pangarap sa tulong ng LSE.